1 min readSep 24, 2020
“Hinagpis ng api”
Lumad kung tatawagin,
ngunit ang katumbas nitong kahulugan ay napakalalim.
Isang tribong naninirahan sa mga lugar na liblib.
Ang kanilang katapangan at kultura’y nakabibilib.
Lupaing pilit na inaangkin,
sa sandaling umalma’y ihuhulog sa bangin.
Karahasang patuloy na nararanasan.
Hindi na ba mapipigilan?
Edukasyong pilit na pinagkakait,
inosenteng musmos bumasa’y nakapikit.
Mga buhay na kinitil
Sino nga ba ang sisingil?
Karapatang hanggang dulo’y pinaglaban,
pagkataong pilit niyurakan.
Kaylan nga ba makakamit
ang lagda sa papel na punit.